Saturday, July 7, 2007

Because it comes only once in a millenium...

Eto na ang tamang time to pay tribute to the best batch the world has ever and will ever see - BATCH 2007! (planned to post this on the actual 07/07/07 day but due to unforeseen circumstances duh di ko nagawa haha)

This "topic" is one of the most difficult to organize because of the sheer volume of the memories, lessons, victories and defeats I had in Pisay. I've been meaning to write a tribute for the past few months but there was something keeping me from doing it. More than laziness, it's like once you pay tribute to something, the experience is over and you're just looking at it in retrospect. But I realized no, this is just the beginning, because the Pisay 07 experience will last a lifetime.

So let me start with Emerald, my first year section. I found my lifelong barkada here and for that I am really thankful. I didn't really have a lot of REAL friends before but when I came to Emerald, people had this very welcoming atmosphere and we had so much in common. Kung wala ang Eme, siguro di ako makakasurvive ng Pisay. Maraming nangyari nun internally na siguro di ko pinapansin pero ngayon narealize ko na hindi lang puro gimik ang natutunan ko sa Eme. Most of the best experiences I've had in the past four years I've shared with these guys. Nandito ang best friends ko, ang soulmate ko lahat. At dito ko nasimulang marealize na marami pang bagay na mas mahalaga sa academics - like friendships. And for all of that and more, maraming maraming salamat.

Kung sa Emerald ko nahanap ang lifelong friends ko, sa Champaca ko nameet most of the best people makikilala ko ever in my life. Kumpleto sa Champaca more than the nerds kumpleto talaga. May leaders, may athletes, may math wizards, may science geeks, may mga loveteams, may ... basta lahat ng facets ng batch natin nasama sa Champaca. At the best part is kahit na gaano kadiverse ang section na toh, united pa rin at talagang nattranslate into quantitative victories. Sa Champaca ko nakita ang full potential kapag lahat ng tao sa batch nagtutulong-tulong to achieve a goal. Sa Champaca ang most active egroup ko haha. Sa Champaca one moment naguusap kayo tungkol sa Geom, the next Magic cards na. Grabe talaga. Best section ever pa rin ang Champaca. Champaca Forever talaga :D

Di tulad sa Champaca na collective as a section ang usually na pagtingin, sa Beryllium, dapat pala individuals ang tinitignan. Nung una parang di ko nagustuhan ang Be kasi di ako sanay. Nasanay ako sa Champaca, masyado. Pero buti na lang sa middle of the year mas naenjoy ko na ang Be. Mas marami akong nakilala sa Batch natin at mas nakita ko ang mga tao not as mere classmates but as individual friends - ung hindi lang friends dahil magclassmate lang kayo o magkagroup kayo. Pero talagang kaibigan. Dito ko nakilala ang mga taong di ko akalaing magiging kaibigan ko pala. Surprises ang nakuha ko sa Be at lahat yun pleasant at astig.

Sa Graviton, haha nasanay na rin ako sa Be. Mas ginusto kong personal ang level ng pakikipagkilala over section. At sa panahon ding ito mas naging focused ako sa buong batch over sa section lang. Kung sa Be andami kong nakilala na di ko akalaing makikilala ko, sa Grav mas dumoble pa yun. Sa Graviton talaga mas halo-halo lahat, lahat ng pedeng characteristic na maipangdedescribe mo sa batch natin, mahahanap mo sa Graviton. astig ang Grav dahil sa mga taong kasama nun. at minsan nagsisisi ako kasi parang kulang pa yung panahon na nagugol ko sa Grav.

Ang isa sa mga pinakamalaking bahagi ng buhay ko sa Pisay ay ang Batch Council. Sobrang dami kong natutunan sa tatlong taon ko dito, hindi kakasya sa blog siguro kung ililista ko (figuratively haha). Pero what it made me sure of was my passion for service through organized leadership. Lahat naman sa batch natin leaders in their own way at palagay ko lang dito ko nahanap ung niche. That passion was there long before Pisay but it consumed me all the more nung nasa Pisay na. I believe God started that fire in me at I thank Him kasi through the confidence of my batchmates, hindi namatay yung fire na yun.

Salamat din sa AstroSoc. More than the overnight stargazings at fun races and stuff, ang saya saya to be serving a really really big group (bigger than the batch). Ang cool kasi noong bata pa lang ako dream ko nang maging astronomer at kahit papaano I got a chance to get closer to that dream through AstroSoc.

Salamat sa Journ. Kasi marami akong natutunan (na hindi related sa Journ) haha na magagamit ko sa buhay ko. Grabe. I met the best people in Journ, people na di ko inexpect na magiging kaibigan ko at natrain ako to REALLY cram haha, stay up late, and a lot more. haha. Ito ang isa sa mga funnest experiences ko sa Pisay at talagang hindi ko pa rin pinagsisisihan na nagJourn ako sa kabila ng lahat ng hirap at pagod.

Salamat sa SCA at sa YFC kasi isa kayo sa naging tulay para mas makilala ko pa si God. Ang ironic pero kahit nasa secular school ako, nahanap ko si God sa Pisay through all the experiences and all the people I've met and everything that has happened in my life in the past four years. SCA at YFC helped me grow more in the faith at appreciate more ang pagiging isang Catholic at Christian. Marami rin akong nahanap ditong mga kaibigan na sure na forever ko magiging kaibigan kasi ang nagbobond sa amin ay ang pagmamahal ni God. Ang cool talaga ni God kasi nilagay Niya ako sa isang secular school para mas maappreciate ko pa lalo ang ginagawa Niya para sa akin.

Salamat sa mga nakakasama ko sa mga contests at iba pang activities. Noon iniisip ko, grabe ang gagagaling ng mga batchmates ko asa pa akong mapanglalaban ako. Pero galing ni God kasi kahit papaano He pushed me to strive for excellence at well yun natupad naman ang pangarap kong dalin ang pangalan ng Pisay sa mga competitions. I had my share of defeats and victories but everything was part of God's plan at lahat ng yun nagcontribute to make me the person I am today.

At finally super thank you sa buong BATCH 2007 kasi ang astig astig talaga. But the biggest thank you goes to GOD kasi Siya ang nagplano na malagay tayo sa iisang batch. Sabi ng ibang tao fishing ako, sabi ng iba humble pero kung may maipagmamalaki ako, yun ay ang fact na 07 ako. Ibang klase kasi sa 07. United not only by our experiences but our love of God. Ang bait ng lahat ng tao sa batch, matalino lahat, magaling lahat. Sabi ng ibang tao idealistic daw ako masyado to the point na naive na. Pero dahil yun sa batch na toh kasi pinakita nito sa akin na posible pala na lahat ng tao magwowork for a common and noble goal. Blessing talaga na lahat tayo gumraduate at feeling ko plan na yun talaga ni God para ipakita sa mundo how great His plan is nung pinagsama-sama Niya tayo. Grabe talaga. grabe. grabe. grabe. Our batch is what should give others hope for our nation. Kasi tayo na yung inaantay nila. I really believe our batch will make a difference in this world at it's only a matter of time before it happens. Kaya sana walang limutan, kasi marami pa tayong gagawin. Tong four years na toh simula pa lang yan. Marami pang parating.

Sabi nila 07/07/07 ang araw natin, araw ng 07. pero I say lahat ng araw, araw natin. 07/07/07 comes only once a millenium, a fleeting moment in the eternity of time. Pero palagay ko all of us sa batch 2007 are destined to leave a lasting mark of greatness in this world.

BATCH 2007 mahal ko kayong lahat. :D


6 comments:

clarisse said...

bakit july 7 yung date na lumabas?

ang galing. di ko natapos tributes ko dahil inaattempt ko gawan ng tig 1 entry lahat ng nakasama ko sa pisya life ko. kaya i ended up stopping with jasmin.

anyway, nice tribute. 07 is the greatest. ang galing ni God! biggest blessing talaga ata ni God na mapunta tayo lahat sa batch na to. :D

Kamae Iniguez said...

Awwww.... how shaweet. Hehehehe. I miss Pisay 07 too. :D Rob ah, nangdadaya ka ng blogger date. hehehe. :D

Rob said...

uy di ko dinaya. feeling ko sira ung comp na pinagpostan ko nito.

Joji said...

champaca the best nga talaga! :)

Anonymous said...

awwwww :)

Anonymous said...

awww how sweet.. :) hoy rob miss n kita :)